Bring Your Own Hugot 3

Bring Your Own Hugot 3

13 February 2016
Add to calendar Get gig news & updates
Nung binigyan namin kayo ng second chance (Bring Your Own Hugot Part 2), sabi niyo kulang sa space, na sana next time magkasya naman tayong lahat kasi ayaw niyo nang ipagsiksikan yung sarili niyo sa masikip... So ayan, try natin sa B-Side, The Collective Hiniram namin 'yung courtyard para magsawa kayo sa space! Naturally, Feb 13 yung napili naming date ng Bring Your Own Hugot 3. Araw ng mga Kabit. Araw ng mga Niloko. Araw ng mga Sawi. Araw ng mga In Denial na Single Sila, Araw ng Masaya Naman Kahit May Kulang... Kahit in reality, araw-araw naman 'yan ang drama ng buhay niyo. Sa bisperas ng Araw ng mga Puso, sabay-sabay natin hugutin ang mga ala-ala, pangarap, kwento, damdamin, gunita, pagtingin, pagnanasa, at pag-asa na malalim nating ibinaon. Marami kaming hinanda para sa inyo. Spoken word performances by: RodMarmol Trisha O'Bannon - Maven Trevor William Viloria Kat Roxas Jihad Mambuay Bawat solid na hugot nila, isang shot tayo. Lahat ng pupunta automatic kasali sa game. Ang KJ, hindi makakahanap ng Valentine for at least one decade. Music performances by: Paranoid City We Are Imaginary Rusty Machines The Benchwarmers Nag-imbita kami ng mga idol na banda dahil sabi ng grade school teacher namin: "All things shall perish, music alone will live". Buti pa sa music, #MayForever (kung nairita ka sa hashtag, ibig sabihin ang bitter mo) Pay-what-you-want art booths: Portraits by Rob Cham & Hanna Leah Tattoos by Kean Mendez Tarot Card Reading by Jalf Angeles Stickers and exhibit by The Bluedoor Collective Lahat na yata handa kaming i-alay sa inyo. Sana naman masuklian kami ng buo. Dating gawi, wala paring ticket o entrance fee. Pero magdala kayo ng pera. Iinom tayo ng marami, magpapa-tattoo at sketch kayo bago malasing, bibili kayo ng maraming stickers, magpapahula para exciting, at ipapasa ang hat buong gabi. Alam niyo na. Tandaan, hindi lahat ng hugot kailangan malungkot, so dalhin niyo ang buong tropa, barangay, at lahat ng ex at crushes mo kung brave kayo. Para masaya. Lahat ng feelings present. Sama niyo na rin siya. Baka sakali lang makaramdam na. Pinag-iisipan pa namin kung mago-open mic. Pilitin niyo kami. Pakipot kasi kami like your Tinder match. Pass The Hat Productions FringeMNL Utot Catalog Words Anonymous #passthehugot #FringeMNL