SAMPUAN: Pula Ang Kulay Ng Pag-ibig

SAMPUAN: Pula Ang Kulay Ng Pag-ibig

13 December 2016
Add to calendar Get gig news & updates

"Pagmamahalan at pagbibigayan ang tunay na kulay ng kapaskuhan."

Sa nalalapit na kapaskuhan, nais naming maghatid ng kalinga at pagmamahal sa ating mga kababayang katutubong Aeta sa Tarlac. Nais namin maghandog ng munting regalo lalo na sa mga kabataang Aeta.

Kami ay nangangalap ng donasyong pinansyal at mga school supplies sa tulong ninyo. At dahil nga, panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan ang Disyembre, may hinandang surpresa ang KM64 para sa inyo.

PARA SA MGA OPEN MIC PERFORMERS
- Unang 20 persons na makapag-paregister ang tutula. Bubuksan na lang ang registration kapag may oras pa.
- Sampung piso (10 pesos) sa bawat pyesang ibibitaw.
- Hanggang dalawang (2) pyesa lang ang pinahihintulutan tulain ng isang tao, upang marami ang makatula.
- Magdala ng kasama, kaibigan, ka-ibigan at kapamilya para may suporta.

PARA SA MGA MANUNUOD
- Walang entrance fee, ngunit hinihikayat namin na magdala ng school supplies o tulong pinansyal bilang donasyon. Salamat!

"Tunay na pag-ibig sa bayan ang ganap na makapagpapalaya sa sambayanan"