Unique Salonga releases statement regarding his departure from IV of Spades

Unique Salonga releases statement regarding his departure from IV of Spades

Following the release of IV of Spades' official statement regarding Unique Salonga's departure, the former frontman shared his piece via his Twitter account on Tuesday evening (05/08).

Instead of answering thousands of questions from fans regarding his exit, Salonga simply took the time to thank his supporters, including his former bandmates and their parents. "Sa mga nagtatanong kung bakit, manigas kayo... sa tuwa. Kasi malalaman niyo rin naman ‘yan kung kating-kati ka talaga sa katotohanan at puwede mo rin naman kasing matuklasan sa sarili mong paghahanap," the singer vaguely wrote.

Kani-kanina lang e, napasilip ako saglit sa social media. Marami akong nakikitang nalulungkot at nadidismaya dahil sa pagkalas ko sa banda. 

Maraming naghahanap ng sagot kung ano ba talaga ang dahilan at bakit pa ba raw ako umalis kung kailan naging matunog na ang pangalan namin. 

Sa mga nagtatanong kung bakit, manigas kayo... sa tuwa. Kasi malalaman niyo rin naman ‘yan kung kating-kati ka talaga sa katotohanan at puwede mo rin naman kasing matuklasan sa sarili mong paghahanap. Exercise na rin sa pag-iisip. Kaya sa mga naghihintay lang diyan at umaasa sa mga lantang balita na nanggagaling sa mga lantang utak, uulitin ko: Manigas kayo. 

Baka nagtataka kayo kasi puwede ko naman kayong diretsuhin. Baka sabihin niyo nagsusungit din ako kasi mayro’n akong pinagtatakpan. Totoo ho ‘yon, pero, wala pa rin naman kayong magagawa at wala kayong mapupulot sa post na ‘to kundi ang maraming maraming thank you, tulad nito: 

Thank you sa mga sumusuporta. Sa mga nagtiyaga at nauwi sa pag-iyak, ‘wag kayong mawalan ng pag-asa. Marami pa kayong mararating at sigurado akong mahaba pa ang lalakbayin niyo para hanapin kung ano ba talaga kayo, tulad ko. Thank you sa mabubuting taong sumalo sa naghihingalo kong pagkatao. Sa mga umalalay para bawiin kung ano'ng hindi ko natuklasan noong panahong hinahanap ko pa ang sarili ko. Kung wala sila, hindi ako magiging malakas at tuloy lang siguro ang pagpapaalila ko sa takot. 

Thank you sa tatlo na itinuring kong kaibigan. 

Siyempre, thank you sa mga magulang ng bawat isa na umalalay sa aming apat. Ang laking tulong niyo. Siguro nga malaki talaga, kaya sobrang thank you po talaga kung ano man ‘yon. Thank you! 

Ganito pala’ng pakiramdam kapag ipinapakita mong may pakialam ka sa tao pero hindi mo naman pala talaga direktang sinasabi sa kanila. Ang hirap talagang pumasok sa showbiz ‘no? 

Pero seryoso, sa nararanasan ko ngayon ay naisip ko bigla na mahirap pala talagang talikuran ang mga bagay na matagal mo nang pinaghihirapan. Lalong-lalo na kung isa 'to sa bumubuhay at bumubuo sa 'yo. 

Uy! hindi pera ang tinutukoy ko rito ah. 

O, siya. Thank you ulit. Magkita-kita na lang tayo sa panibagong episode ng buhay ko. God bless you all, mga b. 

- Anak ni Coco (‘Yong na-brainwash)

Prior to Salonga's exit from the band, IV of Spades were named Favorite New Group at the 2017 Awit Awards, performed alongside David Foster in Surabaya after winning AirAsia's Dreams Come True competition, and shared the stage with Kodaline, FKJ, and Lauv at the recent Wanderland festival in front of thousands of fans.

Read the full statement here: